I've been very busy in school this past few weeks dahil sa lecheng
thesis na yan. Ngayon lang kasi namin nalaman kung gaano ka-cpomplicated ang study na 'to. At yung mga panels namin, "tinutulangan daw kami" na "i-purshue" ang study pero sa totoo lang, lalo lang kami pinapahirapan. Kaya yun, naistagnant na ang blog ko. Kundi pa nawalan ng pasok nung Feb 24, hindi pa ako makakapag-entry nun e. Anyway i-summarize ko na lang siguro in this one long entry para masaya.
Surprising talaga yung win ng "
Crash" sa Oscars. Na-curious tuloy ako at pinanood ko sa VCD agad. Well, maganda naman talaga yung movie but I still have to see
Brokeback Mountain before telling which one is better. Okay naman si
Jon Stewart as a host at naawa naman ako sa
Star Wars dahil nag-iisang nomination nila (Make-up), natalo pa sa
Narnia. Ni hindi nga nominated sa Visual Effects category e. Of all the movies nominated in the Oscars, siguro ang mga balak kong panuorin ay yung "
March of the Penguins" because I heard it's a very great documntary, Tsaka syempre yung Brokeback Mountain at
Wallace and Grommit. Wala akong intention panuorin ang mga biopics. Eh, pakialam ko naman kasi kung sino si
Truman Capote? Tsaka hnde ko rin kilala si
Johnny Cash at yung journalist na portrayed sa
Good Night and Good Luck.
Two weeks ago, nag-try akong mag-switch sa
Firefox for one day. Syempre, before that, nagdownload muna ako ng extensions para may Opera-like features din. Ang nangyari, hindi ako nag-survive. Balik
Opera pa rin ako, Ewan ko nga kung bakit more people are using Firefox e kahit na halos walang feature ang FF except tab-browsing upon initial download. Siguro dahil sa security....pero para sa akin, basta hindi IE ang browser mo, secured ka na e. Tsaka mas mabilis pa rin mag-render ng webpage ang Opera kesa sa FF.
"Opera is by far the quickest browser on Windows, leaving Explorer and Mozilla to eat its dust."
Ginagamit ko lang ang FF kapag may site na incompatible sa FF e. Head over
here and let the author explain further. Basta ako binigyan ko ng chance ang FF to redeem itself pero wla pa rin e. Well, kanya-kanyang preference naman yan so if you haven't tried Opera yet, why not give it a shot? Hehe...nag-endorse ba?
Naasar ako. Sana nag-
Blogspot na lang ako. Walang kwenta kasi 'tong Blogdrive e. Hindi na nga na-iindex ng
Google yung archived entries, hindi pa naha-harvest ng Kinja. Ang mas nakakaasar, kailangan ng premium account para ma-export at maback-up ko yung lahat ng entries ko. Gusto ko pa namang lumipat ng site (kay
Jong,
o ayan may referral ka na) kaso kelangan ko isakripisyo ang 200 entries ko e. Hindi ko kaya iwan ang blog na ito. Sana may iba akong makitang paraan para ma-export ko lahat ng entries.
Nag-aaral akong magka-
lucid dream. (think of the movie
Vanilla Sky) Yung bang aware ka na nanaginip ka tapos nakokontrol mo yung dream. Kasi once na nakontrol mo na yung dream mo, nothing is impossible. Pwede kang lumipad at magmagic or pumatay ng tao dahil hindi ka na kakabahan sa consequenses kasi alam mo naman na panaginip lang yun. There are ways to achieve lucid dream. Just go to my favorite dream interpretation site at:
Dreammoods.com para malaman nyo kung panu magkaroon nito. Three times ko pa lang naggawa to kasi salat nga ako sa tulog ngayun dahil sa thesis. Yung una, hinahabol ako ng aso. Nung naging aware na ako, hinarap ko yung aso tapos nagkaroon ako ng wand at sumigaw ako ng "
Ridikulus!" . Ayung sumabog yung aso, naging confetti. Hehe.. Tapos yung isa naman, nakalipad ako hanggang outer space at tinodo ko yung pag-descend ko sa atmosphere. Para akong meteor na bumubulusok. Ang galing nga kasi, ramdam ko yung adrenaline rush habang nangyayari e. Tumatayo talaga balahibo ko. Astig. Pag naulit yun, pupunta akong school at sasaksakin ko yung mga panelist namin sa thesis.
Isa pa sa mga nagpapa-busy sa akin ay yung ginagawa kong birthday presentation para kay
Champ. You know....yung vocalist ng
Hale,. Yung tatlong kapatid ko kasing babae, medyo close na sa kanya dahil sumusunod sila sa mga gigs ek ek. So nagdecide na gumawa ng presentation para sa Feb 8 birthday nya. Kita nyo naman, one month na ang nakalipas hindi pa rin sya tapus. Ang ginawa ko lang naman ay i-paste yung mukha nya sa mga movie posters, idikit sya sa mga idol nya like John Mayer, or i-mate sya sa mga ibat-ibang girls. "Mate" (inspired by Conan o Brien) as in i-ko-combine yung mukha nya at, say Amanda Griffin, to produce an 'offspring'. Gumawa din ako ng remix ng Ulan ng Cueshe. Jinambol ko yung lyrics. "Lagi na lang ako tanga.." Ie-edit ko rin yung mga video greetings nila atbp. Syempre papayag lang ako kapag may bayad. At dahil babayaran nila ako, magkakapera ako sa bakasyon. Hehe.
Eto yung balak na back cover ng vcd na ibibigay nila.Hindi ko akalain na gagawa ako ng presentation sa taong nabanggit ko sa Aug 22, 2005 entry ko:
Yes, their music is good but what I hate are those girls saying that they are "fans" of Hale just because of the vocalist (Champ)... Para bang, 'fan' na ba yun?...
Teka lang. I'm not attacking Hale. Gusto ko rin naman music nila e. .... It just so happens na popular ang Hale ngayon.
Wish ko lang na sana yung mga "fans" na ganun, ma-appreciate nila yung buong banda at syempre yung music...hindi lang si Champ.
^ (Note: Yung mga sister ko: Hindi ganitong klaseng "fan")
Okay. That's all for today. Sana dumalas uli pagbla-blog ko...