This blog is rated:

 

 






Ako po si Alvin...isang nilalang na walang kwenta...na nagbubuhos na kaalaman sa sanlibutan, lumilipol ng kasamaan, at nanliligtas ng mga naaapi.

Full Name: Alvin Tiamzon
Age: 19
Address: Muntinlupa City!
Birthday: June 10, 1986
School: Mapúa

Course: BS Computer Science
Interests: Movies, technology, music, cats etc.

Girlfriend: coming soon

 

THINGS I LIKE: (Click the link for my personal movie review)
Movies: The Lord of the Rings Trilogy,  Star Wars Trilogy, Harry Potter and the Prisoner of Azkaban, Harry Potter and the Goblet of Fire, The Chronicles of Narnia, Finding Nemo, Chicken Run, Fight Club, S1M0NE, The Passion of the Christ, Dead Alive, Life is Beautiful, American Beauty, School of Rock, Shaun of the Dead, King Kong (2005), Saw, The Shawshank Redemption, Y Tu Mama Tambien, The Matrix, The Matrix Reloaded, The Butterfly Effect, Godzilla, The Truman Show, The Blair Witch Project, Spongebob SquarePants, Braveheart, Spider-man 2, Charlie and the Chocolate Factory, Red Eye, The Sixth Sense, Kill Bill Vol. 1 and 2, Big Fish, Shaolin Soccer, Kung Fu Hustle etc

Soon-to-be: The Da Vinci Code (trailer screenshots)

Actors & Actresses: Sir Ian McKellen, Johnny Depp, Christopher Lee, Sean Bean, Jack Black, Ewan McGregor, Rachel McAdams, Jessica Alba, Naomi Watts, Natalie Portman, Scarlett Johansson, Keira Knightley

Film Composers: Howard Shore, John Williams, Danny Elfman, James Horner, John Debney, Hans Zimmer, James Newton Howard

 

THINGS I HATE (to be finished...):

Anything related to 'Kuya', 'Bahay', 'housemates' and Toni Gonzaga's annoying voice.

 

About Me: Nothing.






   












Contact Me

Email:
alvintiamy@yahoo.com
tiamzy@gmail.com



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



Hit Counter
Hit Counter



rss feed


 

NEW 'DA VINCI CODE' TRAILER (screenshots)

3/23/2006

Whooo! I'm very excited for this movie! May 17!!! Merely a month away!





Note: Flash file. Approx 247 KB.
Download the trailer here: http://www.movie-list.com/trailers.php?id=davincicode

TRIVIA: The guy who played Colin Creevey in Harry Potter and the Chamber of Secrets will play young Silas...

tiamy has forged the One Ring at 5:18:17 pm
5 comments.  

 

"SNAKES ON A PLANE"

3/20/2006

Naiinis ako. Feeling ko hindi ko ma-eenjoy ang mga summer blockbuster films dahil baka pagsabayin ko ang OJT at Thesis 2 ko. Kasi naman e. Sana simpleng tagatimpla na lang ng kape ang trabaho ko o kaya tagaphotocopy na lang sa labas o kaya tagabili ng ulam or tagacheck na Friendster accounts ng isang department. Kaso hindi e. Kelangan may project na ibigay ang company na inline sa elective mo. So that means....Java!!! Tapos may documentation and defense pa yun! Sana nag filmmaking course na lang talaga ako...Pero wla na akong magagawa e. Yun na e. Alangan namang mag back out pa ako? "All I have to decide is what to do with the time that is given to me..."

Nabalitaan nyo na ba yung film na "Snakes on a Plane"? Corny yung title pero catchy di ba? Do you know that the film is making a buzz just because of its title? Si Samuel L. Jackson, tinanggap nya yung role upon seeing the title (without even reading the script!) Gusto daw ng producers na gawing "Pacific Air Flight 121" ang title pero nag-object si Samuel Jackson. The movie is about, well, obviously,  an assassin that lets loose a crate full of deadly snakes...on a plane! Astig di ba? This is going to be the highest grossing film of 2006! Hehehe...Maybe this film will start the whole new trend of Hollywood film titles. Ngayun lang nila inacquire yung style ng Pinoy ("Pag Ang Kanin Naging Bigas, May Bumayo") Malay mo next time, magkaroon na ng "Rats in a House" ,"Two Lovers on a Sinking Ship" or "People Die Here and There"...


tiamy has forged the One Ring at 7:09:48 pm
3 comments.  

 

BACK TO BLOGGING

3/13/2006

I've been very busy in school this past few weeks dahil sa lecheng thesis na yan. Ngayon lang kasi namin nalaman kung gaano ka-cpomplicated ang study na 'to. At yung mga panels namin, "tinutulangan daw kami" na "i-purshue" ang study pero sa totoo lang, lalo lang kami pinapahirapan. Kaya yun, naistagnant na ang blog ko. Kundi pa nawalan ng pasok nung Feb 24, hindi pa ako makakapag-entry nun e. Anyway i-summarize ko na lang siguro in this one long entry para masaya.

Surprising talaga yung win ng "Crash" sa Oscars. Na-curious tuloy ako at pinanood ko sa VCD agad. Well, maganda naman talaga yung movie but I still have to see Brokeback Mountain before telling which one is better. Okay naman si Jon Stewart as a host at naawa naman ako sa Star Wars dahil nag-iisang nomination nila (Make-up), natalo pa sa Narnia. Ni hindi nga nominated sa Visual Effects category e. Of all the movies nominated in the Oscars, siguro ang mga balak kong panuorin ay yung "March of the Penguins" because I heard it's a very great documntary, Tsaka syempre yung Brokeback Mountain at Wallace and Grommit. Wala akong intention panuorin ang mga biopics. Eh, pakialam ko naman kasi kung sino si Truman Capote? Tsaka hnde ko rin kilala si Johnny Cash at yung journalist na portrayed sa Good Night and Good Luck.

Two weeks ago, nag-try akong mag-switch sa Firefox for one day. Syempre, before that, nagdownload muna ako ng extensions para may Opera-like features din. Ang nangyari, hindi ako nag-survive. Balik Opera pa rin ako, Ewan ko nga kung bakit more people are using Firefox e kahit na halos walang feature ang FF except tab-browsing upon initial download. Siguro dahil sa security....pero para sa akin, basta hindi IE ang browser mo, secured ka na e. Tsaka mas mabilis pa rin mag-render ng webpage ang Opera kesa sa FF.

"Opera is by far the quickest browser on Windows, leaving Explorer and Mozilla to eat its dust."
Peter-Paul Koch at quirksmode.org

Ginagamit ko lang ang FF kapag may site na incompatible sa FF e. Head over here and let the author explain further. Basta ako binigyan ko ng chance ang FF to redeem itself pero wla pa rin e. Well, kanya-kanyang preference naman yan so if you haven't tried Opera yet, why not give it a shot? Hehe...nag-endorse ba?

Naasar ako. Sana nag-Blogspot na lang ako. Walang kwenta kasi 'tong Blogdrive e. Hindi na nga na-iindex ng Google yung archived entries, hindi pa naha-harvest ng Kinja. Ang mas nakakaasar, kailangan ng premium account para ma-export at maback-up ko yung lahat ng entries ko. Gusto ko pa namang lumipat ng site (kay Jong, o ayan may referral ka na) kaso kelangan ko isakripisyo ang 200 entries ko e. Hindi ko kaya iwan ang blog na ito. Sana may iba akong makitang paraan para ma-export ko lahat ng entries.

Nag-aaral akong magka-lucid dream. (think of the movie Vanilla Sky) Yung bang aware ka na nanaginip ka tapos nakokontrol mo yung dream. Kasi once na nakontrol mo na yung dream mo, nothing is impossible. Pwede kang lumipad at magmagic or pumatay ng tao dahil hindi ka na kakabahan sa consequenses  kasi alam mo naman na panaginip lang yun. There are ways to achieve lucid dream. Just go to my favorite dream interpretation site at: Dreammoods.com para malaman nyo kung panu magkaroon nito. Three times ko pa lang naggawa to kasi salat nga ako sa tulog ngayun dahil sa thesis. Yung una, hinahabol ako ng aso. Nung naging aware na ako, hinarap ko yung aso tapos nagkaroon ako ng wand at sumigaw ako ng "Ridikulus!" . Ayung sumabog yung aso, naging confetti. Hehe.. Tapos yung isa naman, nakalipad ako hanggang outer space at tinodo ko yung pag-descend ko sa atmosphere. Para akong meteor na bumubulusok. Ang galing nga kasi, ramdam ko yung adrenaline rush habang nangyayari e. Tumatayo talaga balahibo ko. Astig. Pag naulit yun, pupunta akong school at sasaksakin ko yung mga panelist namin sa thesis.

Isa pa sa mga nagpapa-busy sa akin ay yung ginagawa kong birthday presentation para kay Champ. You know....yung vocalist ng Hale,. Yung tatlong kapatid ko kasing babae, medyo close na sa kanya dahil sumusunod sila sa mga gigs ek ek.  So nagdecide na gumawa ng presentation para sa Feb 8 birthday nya. Kita nyo naman, one month na ang nakalipas hindi pa rin sya tapus. Ang ginawa ko lang naman ay i-paste yung mukha nya sa mga movie posters, idikit sya sa mga idol nya like John Mayer, or i-mate sya sa mga ibat-ibang girls. "Mate" (inspired by Conan o Brien) as in i-ko-combine yung mukha nya at, say Amanda Griffin, to produce an 'offspring'. Gumawa din ako ng remix ng Ulan ng Cueshe. Jinambol ko yung lyrics. "Lagi na lang ako tanga.." Ie-edit ko rin yung mga video greetings nila atbp. Syempre papayag lang ako kapag may bayad. At dahil babayaran nila ako, magkakapera ako sa bakasyon. Hehe.


Eto yung balak na back cover ng vcd na ibibigay nila.

Hindi ko akalain na gagawa ako ng presentation sa taong nabanggit ko sa Aug 22, 2005 entry ko:

Yes, their music is good but what I hate are those girls saying that they are "fans" of Hale just because of the vocalist (Champ)... Para bang, 'fan' na ba yun?...

Teka lang. I'm not attacking Hale. Gusto ko rin naman music nila e. .... It just so happens na popular ang Hale ngayon.

Wish ko lang na sana yung mga "fans" na ganun, ma-appreciate nila yung buong banda at syempre yung music...hindi lang si Champ.

^ (Note: Yung mga sister ko: Hindi ganitong klaseng "fan")

Okay. That's all for today. Sana dumalas uli pagbla-blog ko...

tiamy has forged the One Ring at 2:47:44 am
6 comments.  

 

KUDETA?!? SO WHAT?

2/24/2006

Sa totoo lang, ngayon lang ako naasar dahil walang pasok. Kasi ba naman? Pinagpuyatan kong tapusin yung draft ng thesis namin tapos paggising mo sa umaga, bubulaga sa'yo na walang pasok! At least nakapag-blog uli ako after 10 years.

Walanghiya naman kasi 'tong mga general na pasimuno ng "kudeta" daw na ito e. Hindi na naawa sa bayan. Sa halip na sine-celebrate ang 20th anniversary ng People Power I e nada-divert tuloy ang attention ng tao dyan. Hindi man lang sila naawa sa mga natabunan ng putik sa Leyte. Sa halip na dun naka-focus ang attention ng gobyerno e..tsk tsk tsk...

Pero kung totoong magkaroon man ng kudeta...well, dalawa lang ang meron dyan: Advantage: Walang pasok. Disadvantage: Walang allowance. Hehe Joke. Pero may part sa akin na nagsasabi na gusto kong magka-kudeta kasi gusto kong makaranas ng kudeta minsan sa buhay ko. Wala pa akong alam kasi sa mundo nung nangyari yun ng time ni Cory e. Pero wag naman sana. Isa pa, sawa na tayo sa People Power. Nakakahiya na tayo. Two is enough. Cover pa naman ng TIME Magazine ang EDSA I...

At speaking nga ng 20th anniversary ng EDSA. Natutuwa ako dahil kasing edad ko ang EDSA. Kapag nakalimutan ko kung ilang taon na ako, aalalahanin ko na lang yung EDSA I. Pero nung time na yun, nasa sinapupunan pa ako e.  Nasa bahay lang nanay ko. Kung hindi lang sya buntis ng 5 months nun, edi sana nakapunta na rin sya (at ako) sa EDSA I. Yun din pala ang advantage ng pagiging 20, marami kang ka-birthday na school. 20 na rin kasi ang Southridge Night School at yung school ko nung elementary. Hehe....wala lang.

tiamy has forged the One Ring at 2:58:05 pm
4 comments.  

 

BROWN BOOKS

2/23/2006

I've finished reading Dan Brown's Angels and Demons last month and Deception Point three weeks ago. Well, ano naman masasabi ko?

Para sa akin, mas maganda ang A&D kaysa sa DVC in terms of the action at lalo na yung ending. Pero ewan ko, mas na-enjoy ko kasi DVC kasi mas mabilis yung pacing nya. (At siguro dahil alam ko na kung ano itsura ng mga characters dahil binase ko sya sa upcoming movie). Yung A&D kasi, sa bandang gitna na nagsimula yung adventure. Pero enjoy talaga yung A&D. Pero yung ibang scenes naman kasi, napaka-imposible na? Pano naman nabuhay si Langdon after falling thousands of feet above the earth? Alangan naman mamatay sya? E di wala ng DVC..

Parehong-pareho rin kasi yung plot structure ng A&D at DVC kaya mas gusto ko yung una kong nabasa (DVC). Para tuloy na-recycle na yung plot sa A&D kahit nauna pa 'tong ma-publish sa DVC. Kasi ba naman. Parehong...

...may pinatay na matanda sa simula
...hinuhubaran ang mga namamatay. Bakit ba gustong-gusto ni Dan Brown na manghubad?
...Vetra and Neveu (usual leading ladies)
...laging nagse-sex yung bida at leading lady sa huli (or at least may pahiwatig na magse-sex sila). (Take note: Pati Deception Point ganun)
...laging may involve na sex. Yung ritual sa DVC, yung reward ng Hassassin sa A&D at sex scandal pictures sa DP.
...laging may ampon or something related to family.
...at yung mastermind lagi na lang yung main ally nila tulad ni Teabing, Camerlengo at William Pickering(highlight to see: possible spoilers from A&D, DVC and DP)

By the time nga na binasa ko yung Deception Point...pinilit ko na lang tapusin for the sake na matapos ko sya. Nasawa na ako sa style nya e. Tapos ang tagal pa sabihin kung ano yung NASA findings beneath the ice...tapos ayun lang pala. Dun pa lang sa quote ng isang US Presient sa first page, alam mo na kung ano yung find na yun.

Babasahin ko pa ba ang Digital Fortress? Siguro...

tiamy has forged the One Ring at 3:19:57 pm
4 comments.  

 
Next Page