Entry: OJT KO NA! 4/10/2006



Masyado na akong naaalarma dahil 2 weeks nanaman akong walang bagong entry. Kundi lang ako ni-tag, hindi ako makokonsesyang mag-update. Hindi na nga rin ako nakakapagbloghop e.Ano nga bang meron? Gusto ko na talagang lumipat sa Wordpress blog ko kaya lang mahirap mag-export sa blogdrive.

Dahil ngayon ay Holy Week, gusto kong magsulat ng tungkol sa religion, morality, doctrines and stuff. Pero next time na lang. Hehe...

Ang entry na ito ay wala lang. Gusto ko lang sabihin sa lahat na next week, magsisimula na ang climax ng college life ko. Kumbaga sa movie, eto na yung best part (?). OJT na nga....may thesis pa...Pero di bale, mararating ko na ang ending...Weheheh...

So, ako'y magsisimula nang mag-OJT sa Accenture. Opo. Sa Accenture. Yung company na may greater than symbol sa letter "T". Ni hindi nga ako makapaniwala na dun ako mag-o-OJT. Nagpasa lang kami ng resume at konting fill-up ng forms, after one week, scheduled na kami for a medical exam na sagot naman ng company. Ibig sabihin, wala nang tests na mahirap at interview. Ba't naman ganun? Parang ang dali naman. Swerte lang kaya ito o may kapalit na hirap? Ewan. Basta pasalamat na lang ako sa Diyos at pagbutihin ko na lang ang training. Sa .NET class pala ako na-assign samantalang Java ang specialization ko. Wala nga akong alam sa .NET e. Yung iba naman sa COBOL. Malay mo, mag-excel ako dito at kunin na nila agad ako for employment! Hahaha..Asa...Why not?

Sa ngayon, "under treatment" pa rin ako dahil may nakitang tigang na tutuli sa dalawang tenga ko. Ipapaalis ko pa. Ganun pala yun. Mas nakakasama pala mag cotton buds dahil lalong nasisiksik sa tenga yung mga dumi. Kaya pala bingi ako minsan e.

   3 comments

skwayred
April 13, 2006   07:07 PM PDT
 
Buti ka pa sa Accenture. Ako kaya saan? Perahas pala tayo na Java ang specialization, shete naman kasi 'yung thesis namin, VB.net pa ang kelangan gamitin. Good luck na lang! Gusto ko na din matapos itong pelikulang pinapanood ko kaso next year pa e. :p
jeeper
April 16, 2006   12:38 PM PDT
 
Good luck a OJT.

Ako 2 beses nag-OJT at na-stress ako.

Sana meron kayong allowance.
gbert
April 24, 2006   05:25 PM PDT
 
mas ok na yung site mo dito sa blogdtive at least napaplitan mo na yung header once in a while... gudlak sa ojt mo... have fun...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments